Nursing review centers sasalain ng CHED (ABS-CBNNEWS.com)
Inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) nitong Lunes ang draft ng regulasyon na dapat na sundin ng mga nursing review center sa bansa. Ang draft ng Executive Order 566 ay naglalatag ng mga regulasyon na mahigpit na ipatutupad sa mga nursing review center.